Posted in Something personal!

Blog Post #21 – I’m back…

Hi there!

It’s been a while since my last blog post. 🙂

October 14, 2020 pa yung last and sobrang dami nang nangyari since then. Hindi ko na nga alam kung saan magsisimula. Haha. But we have to start somewhere, right? So eto na nga yung utang ko na update… Simulan natin nung 2019.. 😀

In the last quarter of 2019, napag-uusapan na namin ng love ko yung about sa future plans namin. Siyempre kasama namin ang isa’t-isa and ever since naging kami, hangad namin na matuloy ito sa kasalan. Every decision that we made, lahat yun kasama sa goal namin to spend our lives together. We’re just so happy to see things materialize (di man naging madali) – from shifting to a dayshift job, to saving, etc.

We had few trips which include yung pagpapakilala ko kay Love in person sa parents ko. It was light and I am very happy na chill lang ang daddy ko. 🙂 He signified na whatever plans we have in the future, approve sa kanya because we are in the right age na. Fast forward after ng madaliang meet-up in LU, nagpunta naman kami sa Baguio to spend few days. We enjoyed the strolling especially at night, food trip (Good Taste, Oh my gulay, Lemon and Olives, Vizco’s), relaxation time sa North Haven Spa (fave!). First time ko rin na sumakay sa bike na may sidecar (lol!) Pero dahil may kalakihan kami, saglit lang kami sa pagbike, binalik na namin kay kuya. Haha!

We also got the chance to go to Boracay with previous workmates and friends. Mas maaga lang yung pabalik namin sa Manila pero we did enjoyed it. Start na ng Covid-19 nun pero we still pushed it kasi sabi namin mag-iingat kami. Buti na lang, we’re safe. Hindi kami nagka-Covid despite sa dami ng nakahalubilo namin during that trip.

Then came the lockdown – March 2020. Naaalala ko ito kasi balak naming bumalik ng Baguio for our anniversary pero hindi na namin pinush kasi baka maalangan pa. Baka dun pa kami malockdown.

We spent days working at home pero there were some days na kinailangan kong pumasok sa office. Toxic pa yung work ko at that time. Hindi ko na lang i-elaborate yung specifics pero yun yung darkest time ng career ko. Nawala talaga yung peace of mind ko and napraning ako kada makakarinig ng Teams notification and pati na rin ng ringtone sa phone. Doon ko na-try na maiyak habang nasa meeting. Haha! Those days. I’m so glad that may nag-take ng chance na i-hire ako kahit online lahat ng kaganapan and I feel very blessed dahil swak ako sa culture ng company at team.

Days passed, my Love and I decided to get married. 🙂 We started out the planning of our wedding – almost a year and a half din ang inabot ng preparation at pag-iipon. Maraming challenges na obviously ay dala ng pandemic (more of that on my next blog post) pero we were blessed na despite those, na-push namin ang kasal last September 2021.

We spent the Christmas as newly-wed couple with my family in LU (dahil medyo nag-relax na ang travel restrictions) and our New Year with Love’s family in Laguna. I feel so loved and happy dahil we got to spend time with our families longer (benefit ng work from home set-up). Mas naging close din kami sa isa’t-isa and I really did appreciate yung pakikisama ng lahat.

Naging challenging ang pasok ng 2022 para sa aming mag-asawa dahil nag-positive kami sa Covid-19. We experienced mild symptoms kaya nakaya naman na mag-isolate lang at home. Thank God we’re good now! We have recovered at mas magiging maingat pa kami dahil mas nakakahawa ang mga variant ng Covid-19 na nadidiskubre ngayon. Pandemic is still not over. Pero kapit lang.. Sabi nga ni Fr. Jerry Orbos, “God is full of surprises.” Malay natin, ito na pala ang beginning of an end.

As of today, tuloy lang kami sa pag-inom ng salabat at lemon juice. In fairness, masarap pala at nakakaginhawa. We’re aiming to live healthier. 🙂 We’re still working from home and we’re praying for our goals. P.U.S.H. lang!!!

*Pray until something happens.

Posted in Thought Bubbles

Blog Post #18 – I miss home

I am missing my parents badly. Honestly, I thought that I’m already used to being away from home ever since I have landed a job here in Manila but tonight is quite different. I suddenly had a realization. It is already October- few more days before Christmas and there is no way that a vaccine will be available soon. It occured to me that we might not actually be able to go home. I can’t help but be frustrated with this whole pandemic situation.

Don’t get me wrong. I am very much thankful that my family is in good health but still, it’s different to be actually with them – to kiss and hug them before sleeping, to eat meals together and take time to catch-up. I just miss that. So much.

Posted in Something personal!

Short trip home

Kakauwi ko lang galing sa probinsiya namin. Ang bilis ng bakasyon. Long weekend kaya naisipan kong umuwi pero medyo late na ako nakauwi kasi may mga inayos pa ako. Lumuwas ako ng Linggo ng hatinggabi at nakarating sa bahay namin ng Linggo ng umaga. Kung susumahin halos isang araw lang ako naglagi sa bahay namin. Parang nakikain lang ako, natulog at kinabukasan bumiyahe na ulit pabalik ng Maynila dahil may pasok na ulit sa opisina.

Maging ako ay nagulat sa sarili ko dahil kinaya ko ang ganoong pagod. Pero mas nakakagulat na kahit pagod ako, parang ang saya at ang gaan ng pakiramdam ko. Ganoon ko namiss ang parents ko.

Nitong mga nakaraan kasi parang routine na lang ang araw-araw ko. Gigising, mag-aayos, papasok sa trabaho, uuwi, matutulog.. repeat 5x. Don’t get me wrong. Maayos naman ang mga katrabaho ko kaya wala namang issue. Masaya naman ako dahil kasama ko lagi ang boyfriend ko pero mayroon lang talaga yung pakiramdam na pagod, umay at pagkawala ng gana. Siguro kasi pagod na talaga at kailangan nang mag-recharge.

So saan nga ba patungo itong sinulat ko dahil nakaabot ka sa portion na ito? Wala. 😀 Sharing lang na kayang kayang mapawi ng pamilya ang lahat ng pagod at stress. Worth it umuwi at makasama sila. Iba pa rin kasi kapag text at tawag lang ang komunikasyon. Plus mas dapat tayong bumisita sa parents natin para makasama naman natin sila. Madalas na nag-eemote sila dahil hindi na sila nabibisita man lang. Huwag natin silang i-take for granted dahil binuhos nila ang panahon at atensiyon nila sa atin noong mga bata pa tayo.