Posted in Something personal!

Short trip home

Kakauwi ko lang galing sa probinsiya namin. Ang bilis ng bakasyon. Long weekend kaya naisipan kong umuwi pero medyo late na ako nakauwi kasi may mga inayos pa ako. Lumuwas ako ng Linggo ng hatinggabi at nakarating sa bahay namin ng Linggo ng umaga. Kung susumahin halos isang araw lang ako naglagi sa bahay namin. Parang nakikain lang ako, natulog at kinabukasan bumiyahe na ulit pabalik ng Maynila dahil may pasok na ulit sa opisina.

Maging ako ay nagulat sa sarili ko dahil kinaya ko ang ganoong pagod. Pero mas nakakagulat na kahit pagod ako, parang ang saya at ang gaan ng pakiramdam ko. Ganoon ko namiss ang parents ko.

Nitong mga nakaraan kasi parang routine na lang ang araw-araw ko. Gigising, mag-aayos, papasok sa trabaho, uuwi, matutulog.. repeat 5x. Don’t get me wrong. Maayos naman ang mga katrabaho ko kaya wala namang issue. Masaya naman ako dahil kasama ko lagi ang boyfriend ko pero mayroon lang talaga yung pakiramdam na pagod, umay at pagkawala ng gana. Siguro kasi pagod na talaga at kailangan nang mag-recharge.

So saan nga ba patungo itong sinulat ko dahil nakaabot ka sa portion na ito? Wala. 😀 Sharing lang na kayang kayang mapawi ng pamilya ang lahat ng pagod at stress. Worth it umuwi at makasama sila. Iba pa rin kasi kapag text at tawag lang ang komunikasyon. Plus mas dapat tayong bumisita sa parents natin para makasama naman natin sila. Madalas na nag-eemote sila dahil hindi na sila nabibisita man lang. Huwag natin silang i-take for granted dahil binuhos nila ang panahon at atensiyon nila sa atin noong mga bata pa tayo.