Posted in Thought Bubbles

Blog Post #11 – M.U. thoughts

Normal na sa amin ng aking mga kaopisina at mga kaibigan na magkwentuhan sa kahit na anong bagay sa tuwing kami ay matitiyempo na magkakasabay kumain.
Nitong kailan lang naging mainit ang usapan dahil sa topic tungkol sa M.U.. Ano nga ba ang M.U.? Tama bang maaari pang makipag-chat at makipagkilala sa iba kung nasa M.U. stage na?
May karapatan nga bang magselos kapag nasa M.U. stage na kayo?
Personally, naniniwala ako na isa ako sa mga nilalang na ideal mag-isip tungkol sa mga bagay-bagay lalo na sa mga relasyon pero di maiwasan na haluan ito ng realidad dahil na rin sa mga naoobserbahan at naranasan ko na rin. Himayin natin yung mga tanong. Ang mga susunod na mababasa ay personal na opinyon ko lamang. Feel free to share your thoughts. 🙂
Ano ang M.U.?
M.U. is short for Mutual Understanding sabi ng karamihan. Isa itong uri ng relasyon na walang label. Nagkakaintindihan ang dalawang nilalang tungkol sa estado nila pero walang tawagan na boyfriend o girlfriend. Ito yung tipo ng relasyon na lumalabas-labas kayo na parang kayo pero hindi pa naman talaga kayo. Medyo malabo nuh? Parang lagpas na sa ligawan stage pero di pa nakakatawid sa official na status as bf/gf. Ginawan na rin ito ng iba’t-ibang ibig sabihin depende sa sitwasyon. Minsan ‘malabong usapan’. Yung iba naman ‘malanding ugnayan’. Pili na lang daw kayo.
Tama bang maaari pang makipag-chat at makipagkilala sa iba kung nasa M.U. stage na?
In an ideal setup, pag mag-M.U. na ang dalawang nilalang, it is as if sila na. Kulang na lang ng label. Parang naghihintay na lang ng event para maging sila na officially. Kung ganito kaseryoso ang pagigigng mag-M.U. ng dalawang nilalang na pinag-uusapan natin at malinaw sa understanding nila na it is as if committed na sila, ang sagot ko ay hindi na dapat mag-entertain ng iba.
Kaso, hindi naman ganito palagi. May ibang nasa M.U. stage kasi trip lang nila. Di nila kayang mag-commit and this setup is very convenient for them. Why? May perks sila kasi pseudo-jowa ang treatment pero walang label. With that, literally, free sila to try and explore other prospects. Yung iba naman, nasa M.U. stage kasi nalilito sila if dapat bang ituloy ito sa seryosong relasyon o dapat bitawan. Ginawang testing ground ang M.U. stage.
Pwede ba siyang i-restrict? My answer is no. It is in this stage na may perks kayo as a couple pero wala yung right of exclusivity simply because walang label. Ibig sabihin free parehas na mag-explore ng ibang ‘opportunities’. Sabi nga ng officemate ko, parang job application yan. Nagpasa ka ng application. Binigyan ka ng chance for exam and interview pero walang kasiguraduhan hangga’t walang job offer. Kaya pwede ka pang magpasa ng application sa iba. Meaning valid na mag-entertain ng iba kasi wala pang pinanghahawakan. Dito papasok ang ‘magulong usapan’.
May karapatan bang magselos kapag nasa M.U. stage na?
Generally, wala.
Simply because kahit pa malinaw ang usapan na ‘as if’ sila na, ‘as ifpa rin yun. Hindi pa rin official kaya wala pa ring right.
My advice:
Bes, if alam mo na sa sarili mo na this guy/girl is the one for you and nakikita mo ang sarili mo in a relationship with this person, make it official. Wag matakot sumugal. If hindi siya ready to put label to what you have, baka hindi siya ang talagang para sa iyo kasi if mahal ka, gugustuhin niyang siya lang ang nag-iisa sa buhay mo. Don’t go around circles trying out this setup kasi hindi lahat nagiging happy ang ending. Iwas sakit ng puso at wasted time. 🙂

Personally, takot ako sa ganitong setup. Kaya nung naramdaman ko kay Matt (boyfriend ko) na siya na ang future ko, binakuran ko na rin siya para hindi na pwedeng mag-entertain ng iba. So far, I am very happy and looking forward sa future ko with him. It’s worth it!

Note: Photo not mine. Credits to WordPress.