Posted in Thought Bubbles

Blog Post #1 – Simula

Madalas akong magtanong sa bestfriend ko na mahilig magsulat kung kumusta na siya sa mga sinusulat niya. Medyo nalulungkot ako kapag sinasabi niya na huminto na siya kasi alam kong kaya niyang sumulat. First love niya yun eh. Lagi niyang sinasabi na mahirap kasing magtuloy-tuloy ng isang kwento pero mas mahirap magsimula. Para bang ang pressure at napakabigat kasi marami kang iniisip na ilagay pero baka simula pa lang maging epic fail na.

Sa isip ko, ano bang mahirap sa pagsisimula ng isang bagay na passion mo? Yung sobrang mahal mo na craft?

Then one day came na gusto kong i-pursue ang paggawa ng blog. Munting page na maaari kong lagyan ng mga point of view ko, mga naiisip na kwento at samu’t-saring litanya. Gusto ko ring may paglagyan ng mga nasulat kong tula. Gusto kong i-pursue ang pangarap kong makagawa ng nobela at mailathala ito sa blog.

So I decided to make a wordpress account last year and guess what? Only a year after did I actually made this first entry. Mahirap nga. Mahirap magsimula. I am just thinking na sana kaya ko ring ituloy-tuloy ito. Starting today and moving forward.